^

PSN Palaro

Lhuillier yuko sa Spring Cooking Oil

-
CEBU CITY--Pinayukod ng Spring Cooking Oil ang M. Lhuillier, 95-88 noong Miyerkules ng gabi upang isaayos ang kanilang showdown ng ML Kwarta Padala para sa National Interclub basketball title sa Cebu Coliseum dito.

"We finally solved our weakness. We kept away from foul trouble and we made key adjustments in the final period," wika ni coach Tito Palma makaraang ang Spring Five na pag-aari ni natioinal shooting champion Nathaniel "Tac" Padilla ay umusad palapit sa isa pang korona.

Naibulsa ng Spring ang national title noong nakaraang taon at kanilang dinala ang bandila ng bansa sa nakaraang ABC Champions’ Cup kung saan tumapos sila ng ikapitong puwesto.

Sa iba pang laro, ginapi ng ML Kwarta Padala ang Konkuk University of Korea, 86-64 upang tumapos ng asignatura sa elimination na tabla ang Spring sa 3-1 win-loss slate.

Humakot ang high-leaping na si Jeremy Robinson ng game-high 34 puntos, kabilang ang pitong triples upang dalhin ang Spring sa panalo.

Sumuporta ang seventh-time Best Import na si Bobby Parks kay Robinson sa kanyang kinamadang 29 puntos.

vuukle comment

BEST IMPORT

BOBBY PARKS

CEBU COLISEUM

JEREMY ROBINSON

KONKUK UNIVERSITY OF KOREA

KWARTA PADALA

NATIONAL INTERCLUB

SPRING COOKING OIL

SPRING FIVE

TITO PALMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with