Ayon sa tinaguriang The Golden Boy Oscar De La Hoya, na ang outfit ay siyang mag-promote ng nasabing fight card, na siya ang bahala kay Espinosa na magdiriwang ng kanyang ika-35th kaarawan sa Hunyo 26 sa kanyang pag-akyat sa ibabaw ng lona laban sa 34-gulang na si Beleno ng Colombia.
Ayon naman sa broadcaster na si Hermie Rivera na siyang nangasiwa kay Espinosa para sa pagkopo ng WBC bantamweight crown na ang dating WBC featherweight champion na natalo ng kanyang korona sa isang kontrobersiyal na desisyon kontra Mexicos Cesar Soto sa El Paso, Texas noong Mayo 1999 ay nasa magandang kundisyon at handang-handa na para sa nasabing laban.
Umaasa rin si Rivera na magwawagi si Espinosa na eentra sa ring na taglay ang ring record na 45-10-0 na may 24 knockouts,habang nag-iingat naman ang Southpaw na si Beleno ng impresibong record na 35KOs sa 38 panalo, pero lumasap na ito ng 9 na kabiguan, pito dito ay mula sa kanyang huling walong laban.
Nagawang makabalik ni Espinosa na natalo sa eleventh round technical decision sa title fight kontra Guty Espadas Jr., sa Merida, Mexico noong Abril 14, 2000 matapos ang head-butt na nagresulta ng pagtigil ng laro nang umiskor ito ng impresibong fourth round TKO laban naman kay Ramon Aragon noong October, 2000, bago nabigo sa mga kamay ni Augie Sanchez noong Enero 2001 sa fourth round via TKO.