^

PSN Palaro

Peñalosa pinag-iingat sa kalabang Mexican

-
Ilang oras bago sumakay ng eroplano patungong Los Angeles noong Martes ng gabi, nakatanggap ang abogadong si Rudy Salud, manager ni WBC international super flyweight champion Gerry Peñalosa ng fax message mula kay WBC president Jose Sulaiman na nagpapaalala sa kanila na ang Mexican na kalaban ng kanyang fighter na si Oscar Andrade ay isang ‘tough fighter’ at kailangang maging handa si Peñalosa para sa nasabing mabigat na laban.

Nakatakdang harapin ni Peñalosa, rated No. 1 ang kasalukuyang Japan-born, North Korean world champion Masamori Tokuyama sa Nobyembre 8 sa mandatory rematch na ipinag-uutos ng WBC makaraan ang nalasap na kontrobersiyal na pagkatalo ng Pinoy noong nakaraang Setyembre kung saan nabigo ang referee na patawan ng multa si Tokuyama dahil sa paulit-ulit nitong head-butts at low blows.

Kapwa batid nina Peñalosa at Salud na ang magiging kabiguan ng una sa mga kamay ni Andrade ay magsisilbing mitsa ng tuluyang pagka-wasak ng kanyang career sa ibabaw ng lona.

Upang higit na mapaganda ang seryosong kampanya ni Peñalosa sa NABF title fight, tinanggihan ni Salud ang kanyang kahilingan na sumunod ang kanyang asa-wang si Goody sa Los Angeles kung saan si Peñalosa ay nagsagawa ng workouts sa ilalim ng ace trainer na si Freddie Roach na siya ring humahawak kay IBF super bantamweight champion Manny Pacquiao sa kanyang Wild Card Gym malapit sa Hollywood. Mismong si Pacquiao ay manonood ng laban ni Peñalosa sa special ringside kasama si Salud at ang kanyang anak na isa ring abogadong si Chito.

Matagumpay na naidepensa ni Andrade ang kanyang NABF title sa pamamagitan ng second round KO kontra Jorge Luis Gonzales noong nakaraang Abril 24. Taglay ni Gonzales ang 13-1 slate bago niya nalasap ang nasabing pagkatalo sa mga kamay ni Andrade na umiskor rin ng impresibong panalo laban sa walang talong si Debind Thapa at Trinidad Mendoza na kanyang na-knockout sa eight rounds.

ALOSA

ANDRADE

DEBIND THAPA

FREDDIE ROACH

GERRY PE

JORGE LUIS GONZALES

JOSE SULAIMAN

KANYANG

LOS ANGELES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with