Grabe ang hilig ng mga Imports sa babae

Kawawa naman ang import na ito.

Napagdidiskitahan ng kanyang team manager dahil medyo sumasama ang laro.

Ang import na dating hindi mahilig sa chicks eh napakahilig na ngayon.

As in sobrang hilig sa babae.

Ang dahilan--mula nang makatikim siya ng lutong ‘Pinay’ ay hindi na niya ito makalimutan at hinahanap-hanap na niya.

Hindi naman siya nahihirapang maghanap ng chicks.

Mismong ang driver niya ang nagdadala ng chicks sa kanya.

Grabeee!
* * *
Yan din ang situwasyon ng isa pang import na nagkaloko-loko ang team.

Ang driver niya mismo ang kanyang ‘bugaw’ pagdating sa chicks.

Nung maramdaman ni team manager na medyo nagloloko na ang import niya, at nung malaman niya kung ano at sino ang dahilan, tinanggal niya sa trabaho yung driver ni import.

Ang tanong-tumigil na kaya sa pagbibigay ng ‘babae’ ang driver mula nung matanggal siya ni team owner?

Yan ang di nila batid.
* * *
Maraming kabataan ang gustong-gustong maging basketball players.

Bakit? Ang alam kasi nila--maganda kumita ang isang basketball player.

Na tutuo naman.

Napakaraming basketball players ang nanggaling sa hirap at noo’y walang-wala pero ngayon eh maganda na ang buhay at maginhawa na ang kalagayan.

Marami sa kanila’y naglalakad lang papunta sa eskuwela nila.

Yung iba’y sumasabit pa sa mga tricycle o sa mga jeep para makauwi lang sa bahay nila.

Yung iba’y nakikitira lang sa mga kamag-anak o kaibigan nila nung nag-uumpisa pa sila. Yung iba’y madalas na mangutang lang sa mga kaibigan para lang makabili ng sapatos.

Yung iba’y anak talaga ng mga mahihirap. Ng mga magsasaka sa probinsiya, may iba pa nga na mga anak ng labandera.

Pero nang dahil sa kanilang pagtitiyaga at pagpupunyagi, marami na sa kanila’y naiahon na ang mga pamilya nila sa hirap.

Meron na sa kanila’y pinaluwas na dito sa Maynila ang kanilang pamilya at dito na ngayon naninirahan.

Marami sa kanila’y binigyan ng negosyo ang kanilang mga magulang.

Marami sa kanila’y mga magagara na ang mga bahay ngayon at marami nang perang naipon sa bangko.

Ang mga dating naka-tricycle lang at naglalakad pauwi, ngayon eh mga naka-Mercedez Benz na, BMW, F150, Expedition, Starex at mga latest na modelo ng kotse.

Yan ang nagawa sa kanila ng basketball.

Mga masusuwerteng nilalang.
* * *
Though for the day: Ano nga ba ang pagkakaiba ng langaw at lamok? Bakit ang lamok, nangangagat at naninipsip ng dugo, pero bakit ang langaw hindi naman nangangagat? Bakit pag pinapatay natin ang lamok, puwede nating gamitin ang dalawa nating palad pero kapag langaw, kailangan natin ang pang-hampas? At bakit ganun, kahit gaano kalaki ang mga palad natin at kahit gaano kalaki ang panghampas natin, ang hirap-hirap patayin ng mga langaw at lamok? pansinin nyo, ang lamok eh madalas tulog sa umaga at sa gabi naman, natutulog ang mga langaw. Saan kaya sila natutulog?

Pag-isipan nyo nga?

Show comments