Grabe ang hilig ng mga Imports sa babae
May 22, 2002 | 12:00am
Kawawa naman ang import na ito.
Napagdidiskitahan ng kanyang team manager dahil medyo sumasama ang laro.
Ang import na dating hindi mahilig sa chicks eh napakahilig na ngayon.
As in sobrang hilig sa babae.
Ang dahilan--mula nang makatikim siya ng lutong Pinay ay hindi na niya ito makalimutan at hinahanap-hanap na niya.
Hindi naman siya nahihirapang maghanap ng chicks.
Mismong ang driver niya ang nagdadala ng chicks sa kanya.
Grabeee!
Yan din ang situwasyon ng isa pang import na nagkaloko-loko ang team.
Ang driver niya mismo ang kanyang bugaw pagdating sa chicks.
Nung maramdaman ni team manager na medyo nagloloko na ang import niya, at nung malaman niya kung ano at sino ang dahilan, tinanggal niya sa trabaho yung driver ni import.
Ang tanong-tumigil na kaya sa pagbibigay ng babae ang driver mula nung matanggal siya ni team owner?
Yan ang di nila batid.
Maraming kabataan ang gustong-gustong maging basketball players.
Bakit? Ang alam kasi nila--maganda kumita ang isang basketball player.
Na tutuo naman.
Napakaraming basketball players ang nanggaling sa hirap at nooy walang-wala pero ngayon eh maganda na ang buhay at maginhawa na ang kalagayan.
Marami sa kanilay naglalakad lang papunta sa eskuwela nila.
Yung ibay sumasabit pa sa mga tricycle o sa mga jeep para makauwi lang sa bahay nila.
Yung ibay nakikitira lang sa mga kamag-anak o kaibigan nila nung nag-uumpisa pa sila. Yung ibay madalas na mangutang lang sa mga kaibigan para lang makabili ng sapatos.
Yung ibay anak talaga ng mga mahihirap. Ng mga magsasaka sa probinsiya, may iba pa nga na mga anak ng labandera.
Pero nang dahil sa kanilang pagtitiyaga at pagpupunyagi, marami na sa kanilay naiahon na ang mga pamilya nila sa hirap.
Meron na sa kanilay pinaluwas na dito sa Maynila ang kanilang pamilya at dito na ngayon naninirahan.
Marami sa kanilay binigyan ng negosyo ang kanilang mga magulang.
Marami sa kanilay mga magagara na ang mga bahay ngayon at marami nang perang naipon sa bangko.
Ang mga dating naka-tricycle lang at naglalakad pauwi, ngayon eh mga naka-Mercedez Benz na, BMW, F150, Expedition, Starex at mga latest na modelo ng kotse.
Yan ang nagawa sa kanila ng basketball.
Mga masusuwerteng nilalang.
Though for the day: Ano nga ba ang pagkakaiba ng langaw at lamok? Bakit ang lamok, nangangagat at naninipsip ng dugo, pero bakit ang langaw hindi naman nangangagat? Bakit pag pinapatay natin ang lamok, puwede nating gamitin ang dalawa nating palad pero kapag langaw, kailangan natin ang pang-hampas? At bakit ganun, kahit gaano kalaki ang mga palad natin at kahit gaano kalaki ang panghampas natin, ang hirap-hirap patayin ng mga langaw at lamok? pansinin nyo, ang lamok eh madalas tulog sa umaga at sa gabi naman, natutulog ang mga langaw. Saan kaya sila natutulog?
Pag-isipan nyo nga?
Napagdidiskitahan ng kanyang team manager dahil medyo sumasama ang laro.
Ang import na dating hindi mahilig sa chicks eh napakahilig na ngayon.
As in sobrang hilig sa babae.
Ang dahilan--mula nang makatikim siya ng lutong Pinay ay hindi na niya ito makalimutan at hinahanap-hanap na niya.
Hindi naman siya nahihirapang maghanap ng chicks.
Mismong ang driver niya ang nagdadala ng chicks sa kanya.
Grabeee!
Ang driver niya mismo ang kanyang bugaw pagdating sa chicks.
Nung maramdaman ni team manager na medyo nagloloko na ang import niya, at nung malaman niya kung ano at sino ang dahilan, tinanggal niya sa trabaho yung driver ni import.
Ang tanong-tumigil na kaya sa pagbibigay ng babae ang driver mula nung matanggal siya ni team owner?
Yan ang di nila batid.
Bakit? Ang alam kasi nila--maganda kumita ang isang basketball player.
Na tutuo naman.
Napakaraming basketball players ang nanggaling sa hirap at nooy walang-wala pero ngayon eh maganda na ang buhay at maginhawa na ang kalagayan.
Marami sa kanilay naglalakad lang papunta sa eskuwela nila.
Yung ibay sumasabit pa sa mga tricycle o sa mga jeep para makauwi lang sa bahay nila.
Yung ibay nakikitira lang sa mga kamag-anak o kaibigan nila nung nag-uumpisa pa sila. Yung ibay madalas na mangutang lang sa mga kaibigan para lang makabili ng sapatos.
Yung ibay anak talaga ng mga mahihirap. Ng mga magsasaka sa probinsiya, may iba pa nga na mga anak ng labandera.
Pero nang dahil sa kanilang pagtitiyaga at pagpupunyagi, marami na sa kanilay naiahon na ang mga pamilya nila sa hirap.
Meron na sa kanilay pinaluwas na dito sa Maynila ang kanilang pamilya at dito na ngayon naninirahan.
Marami sa kanilay binigyan ng negosyo ang kanilang mga magulang.
Marami sa kanilay mga magagara na ang mga bahay ngayon at marami nang perang naipon sa bangko.
Ang mga dating naka-tricycle lang at naglalakad pauwi, ngayon eh mga naka-Mercedez Benz na, BMW, F150, Expedition, Starex at mga latest na modelo ng kotse.
Yan ang nagawa sa kanila ng basketball.
Mga masusuwerteng nilalang.
Pag-isipan nyo nga?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended