^

PSN Palaro

200 skaters sali sa SM ISI-Asia Summerskates

-
Mahigit sa 200 skaters mula sa Megamall at South mall teams ang maglalaban-laban para sa supremidad sa yelo sa gaganaping ice skating events ngayong summer--ang SM ISI-Asia Summer-skates 2002 championships na magbubukas ngayon sa Southmall ice skating rink sa Las Piñas City.

Pangungunahan ng mga beteranong sina Shekinah Ciudad at Ronan Capili ang muling pananalasa ng South mall para sa kanilang ikala-wang sunod na titulo, habang babandera naman ang sumisikat na si Shamir Supangan at Ma. Patricia Ollero para sa multi-titled Megamall teams upang muling mabawi ang overall championship na nawala sa kanilang mga kamay matapos na matalo sa Las Piñas-based skaters sa 2001 SM ISI Holiday Skating Championships noong nakaraang Disyembre.

Ang naturang tournament ay magsisimula sa alas-8 ng umaga, habang ang opening ceremonies ay gaganapin sa alas-10am.

Nakataya sa nasabing dalawang araw na kompetisyon na inorganisa ng ISUP at sanctioned ng Ice Skating Institute-Asia ay ang Most Bemedaled Skater para sa male at sa female division ang freestyle at basic levels, Most Artistic Skater at Most Promising Skater.

Ang naturang tournament ay magsisilbi ring tune-up para sa mga miyembro ng SM-Philippine ice skating team na sasabak sa 22nd ISI World Recreational Team Championships sa Boston at sa Skate Asia 2002 invitational championships sa Bangkok, Thailand na pawang nakatakda sa Agosto.

vuukle comment

ASIA SUMMER

HOLIDAY SKATING CHAMPIONSHIPS

ICE SKATING INSTITUTE-ASIA

LAS PI

MEGAMALL

MOST ARTISTIC SKATER

MOST BEMEDALED SKATER

MOST PROMISING SKATER

PATRICIA OLLERO

RONAN CAPILI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with