Parangalang atleta hanapin - PSC
May 21, 2002 | 12:00am
Nagpalabas ng kautusan kahapon si Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain ng malawakang paghahanap para sa lahat ng mga atleta na bibigyan ng insentibo sa special ceremonies na tinaguriang Salute to the Filipino Athletes-honoring the past achievers in the Philippine sports sa darating na Lunes, Mayo 27 sa Westin Philippine Plaza sa loob ng CCP Complex sa Pasay City.
Tampok sa naturang pagtitipon ang pagbibigay ng cash incentives ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Pararangalan ng PSC at ng Philippine Amusement and Gaming Corp., (PAGCOR) ang 355 Filipino athletes na nag-uwi ng medalyang ginto, pilak at tanso sa Olympics, Asian Games at quadrennial (4-year) world championships sa nakalipas na 50-taon sa ilalim ng Section 9 ng Republic Act 9064 (Sports Benefits and Incentives Act ng 2001). Ito ang kauna-unahang batas sa palakasan na nilagdaan ng Pangulong Arroyo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended