Kutitap vs John-O sa do-or-die game
May 20, 2002 | 12:00am
Pag-aagawan ngayon ng Kutitap Toothpaste at John-O Juzz ang huling semifinals berth sa kanilang nakatakdang sudden-death match sa PBL Chairmans Cup sa Pasig Sports Center.
Nakatakda ang paghaharap ng Juzzers at Teeth Sparklers sa alas-4 ng hapon na ang mananalo ang siyang kukumpleto ng five-team semifinal cast.
Tabla lamang ang personal record ng dalawang koponan sa 1-1 kung saan unang namayani ang Kutitap, 84-77 noong Abril 22, bago nagawang makabawi ng John-O sa second round sa iskor na 79-73.
"Its quite frustrating that we have to go through a playoff for the last semifinals berth. If thats how it should be, well give it our best," ani Kutitap coach Koy Banal, patungkol sa kanilang 66-67 kabiguan sa mga kamay ng Ateneo-Hapee-Negros Navigation noong Biyernes ng gabi.
"We know that John-O is one tough team to face, and we should take a lot of precautions. Every opportunity counts," dagdag pa ni Banal.
Gagawing inspirasyon ng John-O ang kanilang 92-81 panalo sa mga kamay ng ICTSI-La Salle noong nakaraang Miyerkules upang maduplika ito at maokupahan ang nakatayang huling semis berth.
"All the while we thought were ousted, until we found out about the scenario following our big win against La Salle," pahayag naman ni coach Man-ny Dandan.
Muling aasahan ni Dandan ang mga balikat nina Froiland Baguion, Archen Cayabyab at Arnold Booker na siguradong gigiya sa opensa ng John-O.
Ngunit tiyak na tatapatan naman ito ng Kutitap sa katauhan naman nina Niño Gelig, Ricky Natividad at Mark Saquilayan para iangat ang kanilang koponan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended