60 riders sali sa CALABARZON Tour

Mayroon ng 60 riders, 10 nito ay mula sa elite cast ng mahuhusay na siklista ng bansa ang sasabak sa apat na yugto ng CALABARZON race ng FedEx Express Tour na nakatakdang ilunsad sa Mayo 31.

Ang Unang yugto ay tatahak mula sa Rizal Park patungong Batangas City na tatampukan ng mapanganib na 168.5-km kung saan masusu-bok kaagad ang lakas at tikas ng mga siklista matapos ang kanilang mahabang pamamahinga ng apat na taon sa annual Tour.

Ang ikalawang yugto ay isang 154-km na magmumula sa Batangas City patungong Lucena kung saan ang karamihan ng mga riders ay mga rookies na magtatangkang maging matagumpay sa kanilang unang paglahok dito kung saan sa yugtong ito nandito ang isang mini-killer lap na maihahalintulad sa Tour trade na Baguio-to-Ba-guio.

"Sa second stage malamang magkakatalo. Nandito ang isang matin-ding akyatan," wika ni Paquito Rivas, ang 1979 Tour champion at orihinal na Eagle of the Mountain.

Ang stage three ay isang maikling karera na 81.5-km Team Time Trial na gaganapin sa Luneta at ang final at ikaapat na yugto ay magtatampok sa 168-km na magmumula sa Lipa City at magwa-wakas sa Quirino Grandstand via Antipolo back-door.

Sampung koponan mula sa Pangasinan, Ilocandia, Nueva Ecija, Nue-va Vizcaya, Central Luzon, Rizal, Laguna, NCR, Bicol, Visayas at Mindanao ang kalahok sa nasabing summer bikefest.

Show comments