John 0, Nakauna
May 16, 2002 | 12:00am
Marami ang nagulat nang magtayo bigla ng koponan sa Philippine Basketball League si Senador John Osmeña. Pero, kung tutuusin, nagiging praktikal lang ang beteranong mambabatas, dahil alam na niyang may parating na halalan.
"Magiging prangka ako sa iyo, bungad ng senador. "Tuwing magkakaroon ng eleksiyon, nagtatayo talaga ako ng basketbol team. Maganda ang naibibigay nitong exposure kasi."
Marami ang nagtataka kung mayroon ba talagang produk-tong "John O Juzz" at saan kaya mabibili ito.
"Ang tutoo niyan, may mga partner ako at napagkasunduan na naming magkaroon ng produkto na gagamitin ang pangalan ko," paliwanag ni Osmeña. "Ipapakete namin ang orange juice na gawa ng ibang manufacturer. Sa kasamaang-palad, nabitin sa Bureau of Food and Drug ang pag-apruba, kaya hindi pa lumalabas ang produkto."
At bakit niya napili ang PBL, samantalang madalas siyang nakikita ring nanonood ng laro sa PBA at MBA?
"Economic reasons," katuwiran niya. "Ang buong payroll ng John O, pati ng staff namin, ay katumbas lamang ng suweldo ng isang player sa PBA o sa MBA."
Sa kasalukuyan, dalawang taon ang itatagal ng John-O sa PBL. Malaki ang naitutulong nito sa pagtaas ng antas ng husay ng mga manlalaro ng National University. Sa ngayon, naunahan na niya ang mga ibang may balak tumakbo sa eleksiyon sa 2004.
Pinag-aaralan ni Osmeña kung paano magagawan ng lehislatura ng paraan na maayos ang sistema ng pagpasok ng mga Fil-Am sa basketbol sa ating bansa.
"Nakakadismaya kung minsang makita na, sa sampung naglalaro sa court, pito ay Amerikano, maging lehitimo man silang Fil-Am o hindi, nasasabayan pa ng mga import," dagdag ni Osmeña. "Pagkatapos ng Asian Games, sisiyasatin namin ni Sen. Barbers kung paano magkakaroon ng regulasyon para walang batas na matatapakan."
Samantala, patuloy pa ring tatangkilikin ni Senador Osmeña ang kanyang koponan, na kahapon ay nag-aagaw-buhay sa PBL.
"Nahihirapan talaga akong manood, lalo na kung kasabay ang Senate session. Pero ginagawan ko talaga ng paraan na makapanood."
Ang prodyuser ng programang The Basketball Show ay nagpapasalamat sa Splash Island sa mainit nilang pagtanggap. Ang Splash Island ay bukas araw-araw hanggang alas-singko ng hapon.
Huwag palampasin ang unang anibersaryo ng The Basketball Show na magsisimula sa Sabado ng tanghali sa RPN 9. Maaari kayong manalo ng 3-day, 2-night stay sa Pearl of the Pacific sa Boracay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 18, 2025 - 12:00am