^

PSN Palaro

2nd Benhur Abalos Cup

-
Pangungunahan ni Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain ang listahan ng mga panauhin sa pagbubukas ng 2nd Benhur Abalos Cup bukas, Mayo 17 sa alas-6 ng gabi sa city gymnasium.

Aabot sa 4,000 atleta mula sa 27 barangays ng siyudad ang maglalaban-laban para sa 612 medalya sa 12 events, ang pinakamalaking inter-barangay sports olympic ng siyudad ngayong tag-init.

Ang 12 events ay binubuo ng team at individual competitions gaya ng basketball, volleyball, dart, chess, billiard, table tennis, lawn tennis, badminton, bowling, karatedo, swimming at track and field.

Ang mga manlalaro ay lalaro sa ilalim ng dalawang division--midget at novice. Ang Midget division ay para lamang sa mga manlalaro may edad 12 pababa at ang Novice division ay para sa atletang may edad 13 pataas.

Sa swimming ang mga kalahok ay sasabak sa free-style, backstroke at breaststroke events na pawang sa 25 at 50-meter events. Ang track and field ay magtatampok sa individual at relay competitions.

Nakalaan sa Abalos Cup na ito na tatagal ng 14-araw ang P50,000 cash prizes sa magka-kampeon, habang ang mga runners-up ay mag-uuwi ng P30,000, P20,000, P10,000 at P5,000 cash prizes at tropeo.

AABOT

ABALOS CUP

ANG MIDGET

BENHUR ABALOS CUP

DIVISION

EVENTS

NAKALAAN

PANGUNGUNAHAN

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION CHAIRMAN ERIC BUHAIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with