Blu, Shark nakasiguro ng playoff
May 16, 2002 | 12:00am
Naging madali ang pagkubra ng Blu Sun Power ng playoff ticket para sa huling slot ng semifinal round matapos ilampaso ang
RP-Burlington Youth team, 107-74 sa penultimate day ng elimination ng PBL Chairmans Cup sa Makati Coliseum kahapon.
Nakasiguro din ng play-off para sa ang Shark Energy Drinks matapos ang pinaghirapang 83-80 panalo sa overtime game laban sa talsik na sa kontensiyong Montana Pawnshop sa ikalawang laro.
Napigilan ng Power Boosters ang krusyal na attempt ng Montana sa kanilang huling posesyon upang isalba ang ikaanim na panalo sa 10-pakikipaglaban at ipalasap sa Jewelers ang kanilang ikasiyam na pagkatalo sa kabuuang 11-laro.
Nagtala ng 15 puntos si Junio para pangunahan ang Shark habang nag-ambag naman ng 12, 11, 11 at 10 puntos sina Ybañez, Sotto, Castro at Vergara, ayon sa pagkakasunod.
Sa naunang laban, Umakyat sa 6-4 kartada ang Detergent Kings at kailangan na lamang ipanalo ang kanilang huling asignatura laban sa Ana Freezers bukas upang pormal na makausad sa five-team double round semifinals.
Humataw si Francis Machica ng 22 puntos, kabilang ang 12 puntos sa ikaapat na quarter upang pangunahan ang Blu sa pagpapalasap sa Nationals ng kanilang ikawalong sunod na pagkatalo sa gayon ding dami ng laro.
Tatlong slots na lamang ang natitira sa semis dahil nakapuwesto na sa susunod na round ang ICTSI-La Salle at Ateneo-Hapee bunga ng kanilang magkawangis na 7-3 win-loss slate. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended