Ngunit hindi pa rin nawawala ang takot ni Alaska coach Tim Cone sa kakayahan ng tropa ni Purefoods interim coach Ryan Gregorio.
Sa dalawang laban ng finals, umabante ng 15-puntos ngunit imbes na bumigay ang TJ Hotdogs ay matiyaga nila itong hinahabol para sa mahigpit na labanan sa end-game.
"Guys who can come back like that and who can erase a 15-point deficit and even take the lead can definitely come back in a series even if theyre down 0-2," wika ni Cone.
Sa nakaraang Game-Two, winaldas lamang ng Aces ang ipinundar na kalamangan at sinayang ang mga pagkakataong tapusin ng maaga ang laro bago tuluyang mangibabaw sa ikalawang overtime, 106-102.
Nasayang lamang ang paghihirap ng TJ Hotdogs sa dakong huli dahil naapektuhan ang koponan sa pagkawala ni import Kelvin Price na na-fouled out sa regulation.
Sa likod ng 0-2 pagkakabaon sa serye, kumpiyansa pa rin si Gregorio sa kanyang koponan.
"Im proud of my players," ani Gregorio. "Despite that we only have one import in the two overtime, we were able to give Alaska a tough hard time taking the win. If we continue to play the kind of game we played in the last two games, I know we are going to make it somehow in the end.
Kaya nga nang tanungin si Cone tungkol sa posibleng pag-sweep ng serye anitoy "Its not even worth mentioning about."
Sa unang paghaharap ng Alaska at Purefoods na nangyari ng anim na beses, noong l990 Third Conference, nakauna ang Alaska sa 2-0 sa kanilang best-of-five finals series ngunit na-sweep ng Purefoods sa ilalim ni coach Baby Dalupan upang makopo ang titulo.
"They swept us three games to win it at least now, if they sweep us three games, we still have a chance because its a best of seven series," pagbibiro ni Cone. - (CVOchoa)