^

PSN Palaro

Alaska at Purefoods sa 2nd overtime

-
Humantong sa ikalawang overtime ang labanan dahil sa mga kru-siyal na pagmimintis ni Bryan Gahol. Una ay ang kanyang freethrows para kumpletuhin ang kanyang three-point play mula sa foul ni Raymundo na sana’y bumasag ng 93-pagtatabla, 8.9 segundo ang nalalabing oras.

Ikalawa ay ang isang layup na sinikap pang sundan ng tip-in ni James Head matapos maagawan ni Ron Riley ng bola si Derrick Brown para sa isa na namang extra five minutes.

Eksplosibong fourth quarter ang ipinamalas ng Purefoods upang makabangon mula sa 14 point deficit. Pinagbidahan ni Brown at Ray-mundo ang mainit na 22-9 run para maagaw ang trangko, 84-80, 3:46 ang oras sa regulation.

Ang basket nina Riley at Head ang nagtabla ng iskor sa 84-all na naglagay overtime, nang magmintis si Brown sa isang open layup gayundin si John Arigo sa kanyang jumper nang tumunog ang buzzer sa regulation.Habang isinusulat ang balitang ito ay lamang ng 3 puntos ang Alaska sa pag-uumpisa ng ikalawang overtime.(Carmela Ochoa)

BRYAN GAHOL

CARMELA OCHOA

DERRICK BROWN

EKSPLOSIBONG

HABANG

HUMANTONG

IKALAWA

JAMES HEAD

JOHN ARIGO

RON RILEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with