Ateneo nakalusot sa Montana

Umahon mula sa 15-point deficit ang Ateneo-Hapee at naging matatag sa overtime para sa kanilang come-from-behind panalo kontra sa Montana Jewels, 71-65 sa pagpapatuloy ng eliminations ng 2002 PBL Chairman’s Cup sa Pasig Sports Center kahapon.

Umangat si Cruz sa isang malaking rally na isinagawa ng Eagles sa ikaapat na quarter at umiskor ng pitong puntos sa overtime na naging susi sa ikapitong tagumpay ng Ateneo sa 10-laro na nagbigay sa kanila ng karapatang saluhan sa liderato ang mahigpit na karibal na ICTSI-La Salle.

Isang 17-2 blast ang pinakawalan ng Ateneo upang matikman sa kauna-unahang pagkakataon ang kalamangan, 60-58 matapos ang triple ni Cruz, 1:39 na lamang ang oras sa laro.

Maaga na sanang natapos ang laro kung naipasok ni Cruz ang kanyang dalawang free-throws gayundin ang isang jumper sa huling posesyon ng Ateneo ngunit ito ang nagbigay ng pagkakataon sa Jewelers.

Naikonekta ni Steve Marucot ang isang lay-up sa huling 17.1 segundo ng labanan na siyang na-ging tuntungan ng Montana na humirit ng extra five minutes sa labanan.

Ngunit ipinagpatuloy ni Cruz ang kanyang pananalasa sa overtime kung saan umiskor ito ng pito sa 11-puntos na produksiyon ng Ateneo upang ipalasap sa Jewelers ang kanilang ikawalong pag-katalo sa 10-pakikipaglaban. (CVOchoa)

Show comments