^

PSN Palaro

Titulo naidepensa ng RTU-Mandaluyong

-
TALAVERA, Nueva Ecija – Matagumpay na naidepensa ng RTU-Mandaluyong ang kanilang iniingatang titulo sa ika-12th pagkakataon nang kanilang igupo ang Manila-Adamson U, 7-4 kahapon sa men and women Philippine Fastpitch Softball tournament na ginaganap sa Talavera National High School ground dito.

Napanatili ng RTU-Mandaluyong ang kanilang titulo matapos na manalasa sa elimination round kung saan wala itong natikman na kabiguan hanggang sa semifinal page system.

Angat ang Adamson U sa unang tatlong inning, sinikap ng Mandaluyong-based na umahon sa simula ng ikaapat na inning nang humataw ng apat na run upang agawin ang trangko sa 4-3 na hindi na nila binitiwan pa.

Nauna rito, nayamani muna ang RTU sa Bacolod, 8-2 sa winners bracket, samantalang winalis naman ng Manila-Adamson U ang Bukidnon, 7-2 na nagsaayos ng kanilang titular showdown.

Samantala sa men’s division, ginapi ng UM-Davao ang PUP, 1-0, naungusan ng Zamboanga ang Imus, 2-1 upang makasama ang Bulacan at Army na nakapasok sa semis.

Maghaharap ang Bulacan at Army sa winners bracket at magsasagupa naman ang Zamboanga at UM-Davao sa losers bracket na ang mananalo ay makakalaban ng matatalo sa winners bracket.

Ang laro ay sisimulan sa alas-8 ng umaga ngayon dito.

vuukle comment

ADAMSON U

ANGAT

BULACAN

DAVAO

MANDALUYONG

MANILA-ADAMSON U

NUEVA ECIJA

PHILIPPINE FASTPITCH SOFTBALL

TALAVERA NATIONAL HIGH SCHOOL

ZAMBOANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with