Isa sa pinakahihintay na highlight ngayong bakasyon, partikular na sa Metro Manila kung saan gaganapin ang grand finale ng Bear Brand Kitefest, ang pinakamalaki at mahabang paglulunsad simula noong 1991 ay ang pagtaas ng bilang ng mga kalahok at spectators.
Ngayong taon, ang naturang kite festival ay mayroong 10 yugto na idinaos sa ilang mahahalagang siyudad sa buong bansa kung saan ang siyam na yugto ay ginanap sa Dumaguete, Cabanatuan, Tacloban, Naga, Puerto Princesa, Davao, Baguio, Cagayan de Oro at Kalibo, Aklan.
At sa bawat yugto, ang Bear Brand Kitefest ay mayroong tatlong kategorya na ang mga kalahok ay ihahanay sa apat na division--Elementary para sa kabataang may edad 6-12; High School para sa individual na may edad 13-16; College para sa mga kalahok na may edad 17-21 at Adults para sa mga kite flying enthusiasts may edad 22 pataas.