Gems tinalupan ng Blades
May 10, 2002 | 12:00am
LIPA CITY--Kinailangan ng Batangas Blades na maging matatag sa kahuli-hulihang sandali ng labanan bago nila napayukod ang Cebuana Lhuillier, 124-119 sa double overtime at palakasin ang kanilang kampanya para sa semifinal round sa Northern Conference kahapon sa Lipa City Youth and Cultural Center dito.
At gaya ng inaasahan, muling kumayod ng husto sina Jeff Sanders, Eddie Laure at Alex Compton upang trangkuhan ang Blades sa habulang ikalimang panalo matapos ang siyam na laro sa elimination phase ng First Conference.
Humatak ang 63 na si Sanders ng 32 puntos, bukod pa ang pitong rebounds, anim na assists at tigalawang steals at block, habang puminta naman si Laure ng 25 puntos, 17 rebounds, 3-blocks at 2-steals.
Hindi rin nagpahuli si Compton na umiskor ng 24 puntos, bukod pa ang itinalang siyam na assists at dalawang steals upang ipalasap sa Gems ang kanilang ikaapat na kabiguan matapos ang 9-laro na naglagay sa kanila sa kumplikadong sitwasyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended