'Patayan' na sa PBA Samsung Governors Cup
May 9, 2002 | 12:00am
Matapos maipuwersa ang sudden death match ngayon, magtuluy-tuloy na kaya sa finals ng PBA Samsung Governors Cup ang Coca-Cola Tigers at Alaska Aces?
Ito ang mabibigyan ng kasagutan ngayon sa dalawang deciding Game Five na tatapos sa semifinal series sa PhilSports Arena na tutukoy kung sino ang maghaharap sa best-of-seven titular showdown.
Unang isasalang ang Tigers sa kanilang pakikipagharap sa Purefoods TJ Hotdogs sa alas-6:00 ng gabi habang muling sasagupain naman ng Aces ang San Miguel Beer sa dakong alas-8:00 ng gabi.
Naitabla ng Coke at Alaska ang best-of-five semis series matapos ang kani-kanilang tagumpay sa Game-Four noong Martes.
Hinatak ng Tigers ang 64-59 panalo sa Game-Four matapos pigilan ang TJ Hotdogs sa pag-sweep ng semis sa 77-72 panalo sa Game-Three makaraang buksan ng Purefoods ang serye sa 2-0.
Hinarang naman ng Alaska ang Beermen sa kanilang pagsulong sa finals makaraan ang 74-63 panalo sa Game-Four matapos kunin ng Beermen ang 2-1 bentahe sa serye.
Higit na kinakailangan ngayon ang 100% paglalaro nina imports Ron Riley at James Head gayundin ang ibayong suporta ng mga locals tulad nina Don Allado at Jon Arigo na gumanap ng malaking papel sa kanilang nakaraang tagumpay.
Para naman hindi masayang ang paghihirap ng Beermen para makarating sa kanilang kinalalagyan ngayon, kinakailangang balikan ni Lamont Strothers ang kanyang dating porma upang makatulong ni Mario Bennett.
Si Strothers ay may average na 9-puntos lamang sa huling apat na laro sa semis na siyang malaking kawalan sa Beermen.
Ang tambalang Rossell Ellis at Ron Hale naman ang magiging pambato ng Tigers na may hawak ngayon ng momentum sa krusyal na larong ito na tatapatan naman ni Derrick Brown at Kelvin Price para sa TJ Hotdogs.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended