Ngunit sa pagkakataong ito, nakasalo ng 63 na si Sanders para sa naturang karangalan ang teammate na si Alex Compton na siyang tumulong at ang isa pang teammate na si Eddie Laure sa kanilang pag-ahon sa second half.
Pinangunahan nina Sanders at Compton ang Blades sa isinagawang malaking atake upang matabunan ang 22 puntos na pagkakabaon, 35-57 ng Blades may 2:16 ang nalalabing oras bago mag-halftime.
Tumirada si Sanders, tumapos ng 22 puntos, limang rebounds at tig-isang assists at block shot ng tatlong dikit na triples.
Binalikat naman ni Compton na kagagaling lamang mula sa dalawang linggong pagkaka-sideline ang trabaho sa final canto nang humataw ng 11 puntos sa 16-5 run ng Blades upang itabla ang iskor sa 86-86, 1:41 sa oras.
Kinumpleto ng 1999 league MVP ang kanyang trabaho nang gumawa ng interception mula sa pasa ni Chris Clay sa teammate na si Randy Alcantara na siyang nagbigay daan kay Sanders para sa winning three-point shots sa final 18.67 segundo. Tumapos si Compton ng 23 puntos.
Ang panalo ay naghatid sa Blades sa ikalawang puwesto sa Northern Conference sa likod ng nangungunang Olongapo na may 6-2 record.
Tinalo nina Sanders at Compton ang iba pang kandidato para sa nabanggit na award na sina Jeff Flowers, Brixter Encarnacion at Henry Fernandez ng Volunteers, Cid White at Michael Manigo ng Professional Davao Eagles, Carlo Espiritu ng RCPI Negros Slashers at si Clay.