At ngayon ang baraha ng Beermen at Hotdogs ay 2-1 at kailangan na lamang nila ng tig-isang panalo para makatun-tong sa kampeonato, habang kailangan naman ng Tigers at Aces na makahirit ng deciding Game 5 para manatili sa daan patungo sa pag-abot ng titulo ng Samsung-PBA Governors Cup.
Pero sa ginagalaw ng bawat team, tila mas malapit sa grasya ang Purefoods at ang San Miguel para sa best-of-seven titular showdown.
At kapag nangyari ito, magandang finals na rin ang masasaksihan. Gayunpaman hindi pa rin dapat magpakasiguro ang Beermen at Hotdogs dahil may ipinakitang laban din naman ang Tigers at Aces.
Isa pa sanay ang Aces sa ganitong sitwasyon, habang maigting naman ang pagnanais ng Tigers na maisukbit ang titulo.
Parehong bata ang may hawak ng Purefoods at San Miguel si Ryan Gregorio para sa Hotdogs at Siot Tanquincen naman sa SMB.
Kapwa batikan naman ang sa Coca-Cola at Alaska-- Chot Reyes at Tim Cone na parehong may karanasan sa kampeonato.
At kapag nangyaring Purefoods at San Miguel ang maglaban sa finals, dalawang batam-batang interim coach ang magpapakita ng kanilang galing.
Sa parte ni Gregorio, malaking exposure sa kanya ito dahil hindi bat matagal na siyang gusto ng Purefoods na gawing head coach?
So, malamang na ito ang maging stepping stone niya. At kay Tanquincen naman, umpisa na rin ito para sa kanyang future coaching career.
Ano sa tingin nyo? Purefoods vs San Miguel na nga ba sa Finals?
Well, wait na lang tayo..