Efren "Bata" Reyes niyanig ni Deuel sa IBC World Tour
May 7, 2002 | 12:00am
Tinalo ng rising American pool star Cory Deuel ang kanyang idolo at maestrong si Efren Bata Reyes sa finals ng IBC Classic 9-ball championship upang maibulsa ang unang yugto ng International Billiard Council (IBC) World Tour sa Osaka, Japan noong nakaraang Sabado.
Isang masaklap na pagkatalo ang natamo ni Reyes, pero para sa 23-anyos na si Deuel, ang kanyang panalo ay lubhang napakatamis na sa kanyang batang edad ay nakapaglaro na siya ng money games kontra Reyes kung saan batid niya na siya ay matatalo at ang tanging nais lamang niya ay ang matuto ng ilang mga strokes mula sa tina-guriang The Magician na si Reyes.
Ang single-elimination tournament na ito ay inilaro sa unique, tennis scoring-style format kung saan sina Reyes at Deuel ay lumaro ng best-of-five sets match na ang bawat set at race-to-5 racks.
Napagwagian ni Reyes ang una at ikatlong sets sa (5-2), (5-2). Kinu-ha naman ni Deuel ang second at fourth set sa (5-4) at (5-2) upang itabla ang kanilang serye sa 2-all.
At sa ikalima at deciding set, angat si Reyes sa 2-0 kung saan abot-kamay na lamang ng multi-titled Filipino cue artist ang titulo, pero sa di inaasahan, sumablay si Reyes na tumbukin ang 9-ball at dito ginamit ni Cory ang kanyang powerful breaks at shot na natutunan mula kay Bata upang walisin ang nalalabing racks na nagkaloob sa kanya ng panalo sa best-of-five series.
Bukod sa titulo, nagkamit rin si Deuel ng US $14,000 kung saan na-kuntento lamang si Reyes sa US$7,000.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended