^

PSN Palaro

Panalo Si Ejercito

FREE THROWS - AC Zaldivar -
NANG makasalubong namin si Gherome Ejercito matapos ang huling game ng Talk ‘N Text Phone Pals sa elimination round ng Samsung-PBA Governors Cup noong Abril 20 sa PhilSports Arena ay natanong namin kung bakit ni minsan ay hindi siya tumira.

Kasi nga’y nagamit din ng Amerikanong coach na si Billy Bayno si Ejercito sa larong iyon kontra FedEx Express nang magtamo ng back spasms si Glibert Demape Jr., isang minuto ang nalalabi sa first quarter kinakailangang isugod si Demape sa Medical City upang tingnan kung ano ang extent ng injury niya sa likod. Baka kasi slipped disc ang nangyari. Mabuti na lamang at back spasms lang iyon.

Subalit dahil wala na nga si Demape ay si Ejercito ang siyang ginamit ni Bayno bilang karelyebo ni Kenny Evans na siyang pumuno sa pagkawala ng kanilang starting point guard. Si Evans ay nagtala ng career-high 22 puntos bukod pa sa limang rebounds, dalawang assists at limang errors sa 27 minuto upang tulungan ang Phone na magwagi, 101-90 at burahin ang pag-asa ng FedEx na magkaroon ng twice-to-beat sa quarterfinals. Nahirang si Evans bilang Player of the Week ng PBA Press Corps matapos ang larong iyon.

Si Ejercito ay nagamit lamang sa loob ng apat na minuto kung saan isang steal lamang ang kanyang nagawa. Kaya naman nasabi namin sa kanya na dapat sana’y sa loob ng apat na minuto ay nakatira siya kahit minsan man lamang.

Aniya, hindi na baleng hindi siya nakatira. Masaya na siya na nagamit ni Bayno. At sana nga raw ay mas maging madalas ang paglalaro niya.

Kasi nga, ang larong iyon kontra FedEx ay ikatlong pagkakataon lamang na naipasok si Ejercito. Nababangko na siya nang husto sa Talk ‘N Text at ito’y taliwas sa nangyari sa kanyang unang dalawang taon sa kampo ng Phone Pals sa ilalim ni coach Louie Alas kung saan siya o si Patrick Fran ang starting point guard.

Puwes, nagamit naman si Ejercito sa dalawang quarterfinals games kontra San Miguel Beer kung saan natalo ang Phone Pals upang mabigong makarating sa best-of-five semifinals.

Matapos na ma-eliminate ang Phone Pals, ipinamigay na ni Bayno si Ejercito sa Sta. Lucia Realty kapalit ni Felix Belano.

Sa tutoo lang, maganda ang trade na iyon para kay Ejercito dahil baka manumbalik ang sigla ng kanyang career. Baka makabawi siya kung mabibigyan siya ng playing time ni SLR coach Norman Black. Sa ilalim kasi ni Bayno, ay tila wala na siyang maasahan pa.

Isa pa, kung nanatili siya sa Talk ‘N Text, masikip na rin ang posisyon ng point guards. Bukod kasi kina Demape at Evans ay magbabalik sa second conference si Fran matapos na hindi makuha sa 15 manlalarong kakatawan sa Pilipinas sa Busan Asian Games.

Sa kabilang dako, sa kampo ng Realtors ay magiging ikatlong point guard si Ejercito at makakarelyebo niya sina Paolo Mendoza at Ercito Victolero. Mas malaki ang tsansang magagamit siya.

At kung magagamit nga si Ejercito, mapapagpag niya ang kalawang sa kanyang sistema.

Mapapatunayan niyang nagkamali si Bayno sa kanyang diskarte at may silbi pa siya!

BAYNO

BILLY BAYNO

BUSAN ASIAN GAMES

DEMAPE

EJERCITO

ERCITO VICTOLERO

KUNG

N TEXT

PHONE PALS

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with