^

PSN Palaro

Peñalosa makikipapalitan ng kamao sa Mexican

-
Haharapin ni WBC International super flyweight champion Gerry Peñalosa ang hard-hitting Mexican Oscar Andrade sa North American Boxing Federation title fight sa Mayo 24 sa Feather Falls Casino, may 70 miles ang layo mula sa Sacramento, California.

Si Peñalosa na rated No. 1 ng World Boxing Council ay mayroong dalawang tune-up fights sa Amerika bago siya sumabak sa mandatory title shot para sa world crown na kasalukuyang hawak ni Japan-born North Korean Masamori Tokuyama, ayon sa kanyang manager at abugadong si Rudy Salud.

Kung sakali mang tatalunin ni Peñalosa si Andrade, agad na ililinya ng kilalang promoter na si Don Chargin si Peñalosa para sa isa pang mas matikas na kalaban na posibleng sa katapusan ng Hulyo o sa kaagahan ng buwan ng Agosto.

Lumipad sina Peñalosa at IBF super bantamweight champion Manny Pacquiao patungong Los Angeles noong nakaraang linggo at kasalukuyang nagte-training sa ilalim ng American ace Freddie Roach sa kanyang Wild Card Gym malapit sa Hollywood. Sinabi ni Salud na si Roach ay lubhang na-impress kay Peñalosa at naniniwala siya na ito ay muling makakabalik bilang world champion.

Nakipag-sparring na si Peñalosa kay Carlos Madrigal na natalo sa kanyang NABF title fight kay Andrade sa pamamagitan ng second round TKO. At ang kanyang kabiguan ang nagbigay kay Madrigal ng ikalawang pagkatalo sa kanyang 20 pakikipaglaban at naniniwala rin siya na si Peñalosa ay mas nakaaangat kay Andrade.

Gayunman, hindi gaanong binabalewala nina Salud at Roach ang Mexicano makaraan ang kanyang second round KO na panalo noong Abril 26 para sa kanyang kauna-unahang title defense kontra Jorge Luis Gonzales na may solidong 13-1 win-loss record. Umiskor rin si Andrade ng impresibong panalo kontra sa wala pang talong si Debind Thapa at na-knockout niya si Trinidad Mendoza na isa ring undefeated fighter sa eight rounds.

Taglay ni Andrade ang ring record na 29-21-1 na may 17 KO’s, habang nag-iingat naman si Peñalosa ng record na 44-4-2 na may 30 KO’s. Ang 27-anyos na si Andrade, na may taas na 5’5, ang kasalukuyang top ten sa WBC.

vuukle comment

ALOSA

ANDRADE

CARLOS MADRIGAL

DEBIND THAPA

DON CHARGIN

FEATHER FALLS CASINO

FREDDIE ROACH

GERRY PE

JORGE LUIS GONZALES

NTILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with