Pwede pa si Lastimosa
May 4, 2002 | 12:00am
MUKHANG bumabalik na ang dating laro ni Jojo Lastimosa ngayong nagbalik na siya sa Alaska Aces. Kasi ngay nabibigyan siyang muli ng playing time ni coach Tim Cone na nagsabing kailangan ng Aces ng isang beterano upang magkaroon ng stability.
Sa tutoo lang, maraming nag-akala na in-accommodate lang ng Alaska Aces si Lastimosa for sentimental reasons matapos na ilaglag siya sa line-up ng Coca-Cola bago nagsimula ang season.
Magugunitang si Lastimosa ay naglaro ng sampung taon sa Alaska Aces bago ipinamigay sa Coca-Cola (dating Pop Cola) noong 2000 kasama ni Rhoel Gomez sa isang trade na kinasangkutan nina Brixter Encarnacion at Ruel Buenaventura. Curiously, sa trade na iyon, tanging si Lastimsoa na lang ang aktibo sa PBA at wala na ang tatlong manlalarong nabanggit natin.
Pero nang ilaglag nga ng Tigers si Lastimosa, marami ang nag-isip na baka tuluyan nang magretiro ito. Kasi nga, hindi na halos napakinabangan si Lastimosa noong isang taon matapos na magtamo siya ng injury.
At nang kunin siya ng Alaska, Maraming nag-isip na baka maging bahagi na lamang siya ng coaching staff ng Aces. Sakaling magretiro na nga siya. Kumbaga, parang farewell performance na ni Lastimosa ang taong ito bilang isang manlalaro.
Pero hindi naman pala handang magretiro si Lastimosa. Puwede pa pala siyang pakinabangan kung bibigyan lang siya ng playing time.
Nakausap namin si Cone matapos ang quarterfinals kung saan dinaig ng Alaska Aces ang FedEx, 74-71. Tinanong namin kung bakit hindi niya ginagamit ang sophomore na si John Arigo? May injury ba ito?
Ani Cone ay walang injury si Arigo. Desisyon lang daw niya na huwag gamitin ito dahil sa hindi pa nito gaanong naiintindihan ang sistema sa Alaska Aces. Masyado daw individual ang laro niya at hindi pa siya nagiging team player kahit na nasa ikalawang taon na siya sa PBA.
Ibig sabihin ay tinuturuan ni Cone ng leksyon si Arigo. Bagamat may potential ang Fil-American na ito, kailangang intindihin niya muna ang kanyang koponan at hindi ang kanyang sarili.
At dahil sa pagkakabangko kay Arigo, si Lastimosa ang siyang nagagamit ni Cone bilang point guard. Hindi naman talaga kailangan ng point guard sa sistema ng Aces na hanggang ngayon ay gumagamit ng triangle offense. Kaya naman hindi nahihirapan si Lastimosa sa kanyang bagong papel. Bale nakakarelyebo niya sa kanyang posisyon si Rodney Santos.
Noong Huwebes ay itinala ni Lastimosa ang pinakamaganda niyang laro sa season nang magtapos siya nang may sampung puntos at magwagi ang Aces kontra Beermen sa overtime upang itabla ang best-of-five semifinals series, 1-all.
Puwede pa sana niyang madagdagan ang kanyang point production subalit marami siyang iminintis na tira sa fourth quarter at sa overtime period. Pero marami ang natuwa dahil sa nakabalik nga si Lastimosa.
Sa tutoo lang, maraming matututuhan si Arigo kay Lastimosa kung pakikinggan lang niya at gagayahin ito. At sakaling makabawi si Arigo, okay lang naman kay Lastimosa na numipis ulit ang playing time niya, eh. Kasi nga, hindi na pansarili ang iniisip ni Jolas kundi para sa kanyang koponan ang lahat ng kanyang ginagawa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended