Record breaking gold kay Bulauitan sa long jump
May 3, 2002 | 12:00am
Tulad ng inaasahan, namayagpag si Lerma Bulauitan sa long jump event upang makopo ang gintong medalya na may kakaibang ningning sa ikalawang araw ng aksiyon sa Milo National Invitational Track and Field Open-Gov. Sering Cup kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.
Binura ng 27-anyos na si Bulauitan ang kanyang personal best na 6:43 metro at tinapatan nito ang gold medal jump ni Phan Thi Thu Lan ng Vietnam sa nakaraang Southeast Asian Games sa kanyang nilundag na 6.46 M sa ikaanim at huling talon nito.
Nagkasya lamang sa silver medal si Maristela Torres ng Occidental Mindoro sa kanyang nilundag na 6.40 metro habang napasakamay naman ni Nguyen Thi Mong Anh ng Vietnam ang bronze sa kanyang tinalong 6.15m.
Hindi naman nagpahuli sina John Lozada ng Philippine Navy at Ge-ralyn Amandoron na kumatawan ng La Union matapos magkamit ng gintong medalya mula sa mens 800m run at womens javelin throw, ayon sa pagkakasunod.
Tinapos ni Lozada ang 800m run sa oras na 1:50.08 habang inihagis naman ni Amandoran ang fiber glass sphere sa distansiyang 42.25m.
Sa iba pang resulta, naka-gold naman sina Julio Rose Forbes sa girls 100m hurdles at Rosel Espinas sa girls 800m run para sa apat na gintong nalikom ng koponan ng Occidental Mindoro.
Tinawid ni Forbes ang finish line sa tiyempong 15.15 segundo habang nagsumite naman si Espinas ng 2:19.62.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am