Kinumpirma ni Rene Roch, president ng Federation Internationale DEscrime (FIE), ang world governing body ng fencing ang nasabing titulo sa pamamagitan ni POC president Celso Dayrit na bukod sa siya ang puno ng POC, siya rin ang presidente ng Philippine Amateur Fencing Association (PAFA).
"Its an honor," ani Dayrit. "Not everyday to we get such recognition from prestigious world sports bodies."
Nagdesisyon ang FIE na ibigay sa bansa ang nasabing titulo makaraan ang dalawang Filipino fencers ay magwagi ng 11 mula sa 12 medalyang gintong kung saan ang Indonesia ang siyang nanguna sa womens epee at nakuntento lamang ang RP sa silvers sa sixth SEA Championships na ini-host ng Malaysia sa Kuala Lumpur. Ang 11 ginto ang siyang naging daan upang mapanatili ng RP ang korona sa nasabing biennial competitions.
Nagbulsa rin ang Philippines ng limang silvers at apat na bronze sa pagpapanatili ng kanilang overall crown.