Nagparamdam naman ang beteranong si Eduardo Buenavista sa mens 3,000 steeple chase nang kanyang kunin ang gintong medalya sa pamamagitan ng kanyang tiyempong 8 minuto at 30.50 segundo. Ang performance na ito ni Buenavista ay malayo ng 10 segundo sa kanyang oras na naitala sa nakaraang Southeast Asian Asian Games kung saan nagsukbit ito ng dalawang gintong medalya.
Lumundag ang 23-gulang na si Atienza na kumatawan ng University of Santo Tomas ng 1.75M sa kanyang ikalawang pagtatangka upang higitan ang kanyang RP record na 1.74M na kanyang itinala sa Kuala Lumpur SEA Games noong nakaraang taon.
Pumukaw din ng pansin opening ng event na ito na suportado ng Philippine Sports Commission at Milo Nestle Phils. Si Sonny Diaz sa kanyang nakopong gold sa mens 20,000M walk.
Nagsumite si Diaz ng oras na 1:42.30.9 upang talunin ang kanyang kasamahan sa Philippine Navy na si Harry Canillo at Michael Embuedo ng Phil. Airforce B na nagtala ng 1:42:41.5 at 1:47.39.1 ayon sa pagkakasunod.