Sa tutoo lang, maraming PBA fans ang umasang sana, makarating na sila maski sa semis man lang pero yan nga, lagi na lang nasisilat.
Better luck next time na naman para sa Talk N Text?
Sana naman, next conference, makarating na sila sa finals.
Mukhang pabalik na ang mga basketball fans para manood muli.
At yan ay dahil nawala na yung dalawang RP training teams na nagpapangit lang ng labanan sa PBA.
Medyo mali raw ang desisyon na magkaroon ng laro kahit na one game lang.
At next conference, sasali na muli ang RP team pero yun na yung binuo ni coach Jong Uichico.
Kahit paano, mas maganda ang laban nito sa mga PBA teams.
Mukhang ginagawa niya ang lahat para mapabuti ang plight ng ating athletes.
Balita namin, si Chairman Eric din ang magiging guest of honor and speaker sa pagbubukas ng NCAA 2002 season.
At ang ama: Isang guwapong basketball player na naglalaro sa PBA.
Hindi pa rin nila muna inaamin ang kanilang relasyon.
Kung bakit, sila lang ang nakaka-alam!
Mag-champion na kaya ang Las Piñas College sa Ambrosio Padilla Cup?