Sinungkit nina Walbert Mendoza at Leny Reyes ang mens and womens saber gold medals na dinuplika naman ng RP foil team sa sumunod na araw ng torneong ito na nilahukan ng anim na bansa.
Kahit na may apat pang gintong nalalabi sa huling dalawang araw ng kumpetisyon, hindi lamang napanatili ng Philippines ang korona kundi pinayabong pa nila ang kanilang performance. Noong 2000 edition, nakamit din ng Pinas ang overall champion nang magwagi ito ng 7 gintong medalya sa 10 nakataya.
Pinaamo ng ang mens foil team nina Emerson Segui, Rolando Canlas at magkapatid na Ramil at Rufelino Edriano ang kalaban sa buong torneo tungo sa daan patungong gold medal.
Ang womens squad naman nina Leny Reyes, na may hawak ng tatlong ginto sa kanyang bulsa, na kinabibilangan din nina Veena Nuestro, Melly Joy Angeles at Lorraine San Diego ay hindi rin nagpahuli at dinuplika ang performance ng mga kalalakihan.
"A team that has prepared long and hard and one that has the heart and determination to triumph will be the one that would produce results. And this is the result," ani Celso Dayrit, pangulo ng Philippine Olympic Committee na minsan ay naging pangulo ng Philippine amateur Fencing Association