Ito ang parehong nasa isip ngayon ng Coca-Cola Tigers at Purefoods TJ Hotdogs sa kanilang magkahiwalay na quarterfinal assignments sa PBA-Samsung Governors Cup na magpapatuloy ngayon sa Araneta Coliseum.
Sasagupain ng Coca-Cola ang defending champion Sta. Lucia Realty sa pambungad na laban sa eksaktong alas-3:45 ng hapon na susun-dan naman ng paghaharap ng Purefoods at Batang Red Bull sa dakong alas-5:45 ng hapon.
Sa pamamagitan ng tagumpay ng Tigers at TJ Hotdogs ay kanilang maitatakda ang duwelo sa semifinal round na paglalabanan sa best-of-five series.
Isang panalo lamang ang kailangan ng Coca-Cola at Purefoods upang makausad sa susunod na round ngunit doble trabaho naman ang kailangan ng Realtors at Thunder dahil dalawang panalo ang kanilang kailangan para makapasok sa semis.
Itoy dahil sa twice-to-beat advantage na taglay ng Tigers at TJ Hotdogs makaraang magtapos sa eliminations na kabilang sa top four.
Kinuha ng Red Bull ang serbisyo ni Sean Lampley kapalit ni Joe Bunn upang maging katulong ni Tony Lang sa kanilang pakikipagduwelo sa tambalan nina Derrick Brown at ng 67 na si Kelvin Price na pumalit sa injured na si Lenard White.
Sina Rossell Ellis at Ron Hale naman ang babandera sa Tigers na tatapatan naman nina Mark Davis at Victor Thomas para sa Sta. Lucia.
Nagtapos ang Coke at Purefoods na may 8-3 win-loss slate sa eliminations ngunit napasakamay ng Tigers ang No. 2 dahil sa kanilang mas mataas na qoutient.
Nakauna na sa semis ang Alaska Aces matapos ang 74-71 pamamayani kontra sa FedEx kamakalawa at hihintayin na lamang nila ang makaka-laban sa pagitan ng No. 1 Talk N Text at San Miguel Beer.