^

PSN Palaro

Gov. Sering Cup trackfest tulay sa pagpapalakas ng sports

-
Gagawing tulay ng Philippine Amateur Track and Field Association ang nalalapit na Milo National Open-Gov. Sering Cup Invitational track and field championship para sa pagpapalakas ng sports sa pama-magitan ng regional units.

Kasabay ng May 1-4 dual meet ay ang quadrennial regional convention kung saan plano ng PATAFA na magsagawa ng eleksiyon upang higit na maging solido ang programa ng 16 rehiyon.

"The Milo National Open-Gov. Sering Cup will showcase not only the best in the Philippines athletics but in some parts of Asia. Hopefully, our regional directors would see where that stand both in local and international standards and take it from there," ani PATAFA president Go Teng Kok.

Ang PATAFA ang isa sa ilang national sports associations na kilala sa pagtulong sa sporting campaigns ng bansa sa mga nakaraang international events tampok ang siyam na gold medals na iniuwi ng mga Pinoy mula sa Southeast Asian Games noong nakaraang taon sa Malaysia.

Ayon kay Go, tatlo o apat na rehiyon ang walang kinatawan sa PATAFA at intensiyon nitong mapunan ito sa convention na gaganapin pagkatapos ng closing ceremonies.

AYON

GAGAWING

GO TENG KOK

KASABAY

MILO NATIONAL OPEN-GOV

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

PINOY

SERING CUP

SERING CUP INVITATIONAL

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with