Kumana si Rysal Castro ng 19 puntos at 10 rebounds sa isang one-sided na laban upang ipalasap sa Ana ang kanilang ikatlong kabi-guan matapos ang anim na asignatura.
"First, we want to thank God for allowing us to break from a long slump. And I have to give credits to the boys because they responded to the call," pahayag ni Shark coach Leo Austria.
Huling nakalapit ang Ana sa 21-30 may tatlong minuto na lamang sa second quarter nang simulan ni Castro na igiya ang trangko ng laro katulong sina Mike Bravo, Gerald Ortega, Clarence Cole at Edward Junio na nagtulungan sa 20-6 bomba na siyang naglubog sa Ana sa 50-27 kalamangan ng Shark, may 42.7 segundo ang nalalabi bago mag-halftime.
At sa sumunod na play, lalo pang pinalobo ng Power Boosters ang kanilang kalamangan sa 33 puntos, 77-44 sa pagtiklop ng third period na hindi na nagawa pang lingunin ng Ana.