Pangungunahan ng mga beteranong sina Arlan Lerio (bantamweight) at Larry Semillano (light welterweight) ang six-man squad na eentra sa world-class field sa Cordova Cardin at Roberto Balado Cup international amateur championships.
Ang kambal na events ay nakatakdang simulan sa Cuba capital at Havana nagsimula kahapon Abril 23 hanggang sa Mayo 7.
Kabilang din sa koponan sina Rene Villaluz (flyweight), Genebert Basadre (featherweight) at Maraon Golez (middleweight) na ang kanilang biyahe ay suportado ng Philippine Sports Commission.
Si Raul Daza, chairman ng Amateur Boxing Association of the Philippines ang siyang magiging puno ng delegasyon na umalis ng bansa kagabi.
Ang iba pang kasama sa koponan ay sina Gregorio Caliwan (head coach), Nolito Velasco (assistant coach) at Darcito Teodoro (referee/judge).
"The boys are in high spirits. Theyve prepared hard and I know the Cuban tournaments will give them a big exposure," wika ni ABAP president Manny Lopez.