^

PSN Palaro

RP boxing team sali sa Cuba boxing tournament

-
Magbabalik ang buildup ng team Philippines para sa Busan Asian Games sa kanilang nakatakdang pagsabak sa dalawang prestihiyosong boxing tournaments na magsisimula ngayong linggo sa Cuba.

Pangungunahan ng mga beteranong sina Arlan Lerio (bantamweight) at Larry Semillano (light welterweight) ang six-man squad na eentra sa world-class field sa Cordova Cardin at Roberto Balado Cup international amateur championships.

Ang kambal na events ay nakatakdang simulan sa Cuba capital at Havana nagsimula kahapon Abril 23 hanggang sa Mayo 7.

Kabilang din sa koponan sina Rene Villaluz (flyweight), Genebert Basadre (featherweight) at Maraon Golez (middleweight) na ang kanilang biyahe ay suportado ng Philippine Sports Commission.

Si Raul Daza, chairman ng Amateur Boxing Association of the Philippines ang siyang magiging puno ng delegasyon na umalis ng bansa kagabi.

Ang iba pang kasama sa koponan ay sina Gregorio Caliwan (head coach), Nolito Velasco (assistant coach) at Darcito Teodoro (referee/judge).

"The boys are in high spirits. They’ve prepared hard and I know the Cuban tournaments will give them a big exposure," wika ni ABAP president Manny Lopez.

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ARLAN LERIO

BUSAN ASIAN GAMES

CORDOVA CARDIN

DARCITO TEODORO

GENEBERT BASADRE

GREGORIO CALIWAN

LARRY SEMILLANO

MANNY LOPEZ

MARAON GOLEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with