Alban nang-agaw ng eksena
April 23, 2002 | 12:00am
BUTUAN CITY--Umagaw ng eksena si Juv Alban ng Surigao City sa katatapos lamang na Milo Junior Tennis Cup and Regional matapos na itala ang kanyang panalo kontra Nic Daniel Fernandez, 6-3, 6-3 at isukbit ang boys 16-under division bago hiniya ang ka-teammate na si Juke Alban, 6-3, 6-2 para sa boys 14-under trophy noong Biyernes dito sa Luz Village clay courts.
Nakisosyo rin sa karangalan ng double titlist na si Juv si Irene Serito ng Cagayan de Oro City nang kanyang talunin naman si Noela Pacana, 6-0, 6-3 sa girls 16-under class at Anna Feil Salomon, 7-5, 4-6, 6-2 sa girls 14-under bracket.
Ang iba pang nagkampeon ay sina Paolo Fermin sa unisex 10-under, Juke sa boys 12-under, Carlo Estrella sa boys 18-under, Pacana sa girls 18-under at Chynna Mamawal sa girls 12-under class ng Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas at Sports Kids na may sanction ng Philta.
Pinabagsak ni Fermin si Rorygen Iducos, 6-3, 6-2; sinibak ni Juke si Bobby Chio, 6-3, 6-2; ginapi ni Estrella si Neil Fernandez, 6-4, 6-0; sinilat ni Pacana si Kindy Rosales, 1-6, 6-3, 6-3 at minolestiya ni Mamawal si Kathleen Uy, 6-1, 6-0.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended