John-O nasilaw sa kutitap

Naipagpag ng Kutitap Toothpaste ang mahigpit na hamon ng John-O Juzz sa huling bahagi ng labanan upang itakas ang 84-77 panalo sa pagpapatuloy ng PBL Chairman’s Cup sa Pasig Sports Complex.

Gumamit ng 8-2 produksiyon ang Teeth Sparklers upang iselyo ang ikalawang sunod na panalo, ikaapat sa kabuuang limang laro upang makasosyo ang ICTSI-La Salle sa pangkalahatang pamumuno.

Isang mainit na 9-0 run ang pinakawalan ng John-O upang makabangon sa 10 puntos na pagkakahuli at makalapit sa 75-76 matapos ang split charities ni Arnold Booker papasok sa huling maiinit na minuto ng bakbakan.

Ngunit umiskor ng tres si Ryan Dy upang pigilan ang paghahabol ng Kutitap na kinumplimentuhan naman nina Cyrus Baguio, Allan Salang-sang at Mark Saquilayan ng tig-isang baskets tungo sa kanilang tagumpay.

Nalasap naman ng John-O ang kanilang ikalawang kabiguan sa anim na laro.

Show comments