Nakisalo sa tagumpay ni Fermin sina Oro Junior Tennis Camp trainees Bobby Chio, Carlo Estrella, Noela Pacana, Kindy Rosales, Irene Serito at Kathleen Uy sa Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas at Sports Kids na may sanction mula sa Philta.
Naungusan ni Chio si Teofilo Salomon, 7-6, 7-6 upang isaayos ang kanilang paghaharap ni Surigaos Juke Alban na kumana ng 6-1, 6-2 panalo kontra Noelito Pacana para sa boys 12-under title; pinatalsik ni Estrella si Jonathan Sanglay, 6-0, 6-3 at itakda ang kanilang sagupaan ni Neil Fernandez na humiya naman kay JJ Autor, 7-6, 0-6, 7-5 para sa boys 18-under crown; maghaharap naman sina Noela at Kindy sa girls 18-under jewel, habang makikipagpalitan ng palo si Serito kay Noela sa girls 16-under class at masusubukan naman ang lakas ni Uy sa kanyang pakikipaglaban kontra Mamawal para sa girls 12-under trophy.
Ang iba pang finalist ay si Juke kontra Juv Alban sa boys 14-under division.