^

PSN Palaro

Cagayan de Oro netters nanalasa

-
BUTUAN CITY--Binanderahan ni Paulo Fermin ang pananalasa ng mga bisitang Cagayan de Oro netters matapos na iposte ang 6-0, 6-3 pa-nalo kontra Paul John Martinez upang maitakda ang championship showdown kontra Rorygen Iducos ng Napocor-Iligan na umiskor ng 4-6, 6-3, 6-4 pamamayani laban naman kay Chynna Mamawal sa unisex 10-under division noong Biyernes sa 2002 Milo Junior Tennis Cup and Regional Workshop dito sa Luz Village clay-courts.

Nakisalo sa tagumpay ni Fermin sina Oro Junior Tennis Camp trainees Bobby Chio, Carlo Estrella, Noela Pacana, Kindy Rosales, Irene Serito at Kathleen Uy sa Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas at Sports Kids na may sanction mula sa Philta.

Naungusan ni Chio si Teofilo Salomon, 7-6, 7-6 upang isaayos ang kanilang paghaharap ni Surigao’s Juke Alban na kumana ng 6-1, 6-2 panalo kontra Noelito Pacana para sa boys 12-under title; pinatalsik ni Estrella si Jonathan Sanglay, 6-0, 6-3 at itakda ang kanilang sagupaan ni Neil Fernandez na humiya naman kay JJ Autor, 7-6, 0-6, 7-5 para sa boys 18-under crown; maghaharap naman sina Noela at Kindy sa girls’ 18-under jewel, habang makikipagpalitan ng palo si Serito kay Noela sa girls’ 16-under class at masusubukan naman ang lakas ni Uy sa kanyang pakikipaglaban kontra Mamawal para sa girls’ 12-under trophy.

Ang iba pang finalist ay si Juke kontra Juv Alban sa boys 14-under division.

vuukle comment

BOBBY CHIO

CARLO ESTRELLA

CHYNNA MAMAWAL

IRENE SERITO

JONATHAN SANGLAY

JUKE ALBAN

JUV ALBAN

KATHLEEN UY

KINDY ROSALES

LUZ VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with