Kasi nga kahit pa sabihing puwede siyang makatulong sa Phone Pals, baka makasama pa sa Talk N Text kung ipapasok ni Bayno si Fran. Hindi kasi nakipag-ensayo si Fran sa Phone Pals mula pa nang magsimula ang 28th season ng PBA. Sa National team siya nakikipag-ensayo at hindi pa niya kabisado ang takbo ng plays sa kampo ng Phone Pals.
Bunga nga ng pagkawala ni Fran ay nabigyan ng malaking breaks sina Gilbert Demape at Kenny Evans. Kung noong isang taon ay sina Fran at Gherome Ejercito ang siyang nagha-halinhinan sa point guard spot sa ilalim ng dating coach na si Louie Alas. Paminsan-minsan lamang nagagamit si Demape.
Pero iba ang sistema ni Bayno. Nang mawala si Fran at mapunta sa Candidates Pool ay kinuha niya sa mga nagta-tryout si Evans. Itoy sa kabila ng pangyayaring halos nabangko si Evans sa Alaska Aces noong isang taon. At sa kanilang pag-eensayo ay nakita niyang may ibubuga si Evans.
Ayon kay Bayno ay pinanood niya ang mga tapes ng laro ng Alaska Aces at nakita naman niyang sa kaunting minutong nilalaro ni Evans ay puwede itong pakinabangan.
Iba nga ang naging sistema ni Bayno. Biruin mong si Dema-pe ang naging starting point guard niya sa taong ito. Kumbagay justified tuloy ang pagkakakuha ni Alas kay Demape noong isang taon. Hindi nga bat maraming nagsabing nagkamali sa diskarte si Alas dahil sa ang dapat niyang kinuha sa 2001 Draft ay ang Fil-American na si John Arigo dahil available pa ito subalit hinayaan niyang mapunta ito sa Alaska Aces.
Sinasabi ngang nagtampo pa raw si team owner Manny Pangilinan kay Alas dahil sa desisyong ito. At nang matapos ang season, ang pagkuha kay Demape ang isa sa dahilan kung bakit natanggal si Alas bilang coach ng Phone Pals.
Pero maganda nga ang naging performance ni Demape sa ilalim ni Bayno. Kaya naman nakapanghihinayang na nag-tamo siya ng injury sa laro ng Talk N Text laban sa FedEx noong Sabado. Mabuti na lang at hindi slipped disc iyon kundi back spasms lamang kung kayat puwede pa siyang makabalik sa quarterfinals o kayay sa semifinals.
Sa pagkawala ni Demape noong Sabado ay nagningning nang husto si Evans na nagtala ng career-high 22 puntos bukod sa limang rebounds at dalawang assists. At nabigyan din ng break si Ejercito na nagamit kahit na sa loob lamang ng apat na minuto.
Ayon nga kay Bayno ay okay na rin ang performance ni Ejercito dahil sa kahit na siya ang ikatlong point guard off the bench ay napanatili ng Talk N Text ang kalamangan nito sa kaunting minutong inilagi niya sa hardcourt.
Kaya naman inaasahang sina Evans at Ejercito muna ang siyang hahawak sa backcourt ng Talk N Text habang nagpapa-galing si Demape at nagpapahinga naman si Fran.
Ang lalim ng backcourt ng Talk N Text, no?