Pinangunahan nina Eugene Tan, Jeffrey Flowers at Brixter Encarnacion ang opensa ng Volunteers upang ilista ang pinakamalaking kalamangan na 22 puntos na kanilang sinandigan upang itala ang ikaapat na panalo sa limang laro at makatabla ang RCPI Negros Slashers sa liderato sanhi ng kanilang 4-1 kartada.
Dahil sa magandang performance na inilabas ni Tan, siya ang napiling best player ng laro matapos na kumana ng 17 puntos, siyam na assists, dalawang steals at dalawang rebounds, habang nagsalpak naman si Flowers ng game-high 28 puntos bukod pa sa itinalang 10 rebounds para sa Volunteers.
Umiskor naman si Encarnacion ng 18 puntos kung saan nakipagtulungan siya kina Tan at Henry Fernandez upang ihatid ang Volunteers sa 66-42 kalamangan may 2:25 ang nalalabi sa third canto.
Sinikap ng Stars na makalapit nang maglatag ito ng 13-0 run sa huling bahagi ng third canto patungo sa unang bahagi ng fourth quarter sa 66-57, subalit mabilis ring sumagot ang Volunteers sa pangunguna ni Flowers upang ipadama sa Stars ang kanilang ika-apat na kabiguan sa limang laro.