^

PSN Palaro

John O-Juzz nais tuhugin ang ikalimang panalo

-
Ikalimang panalo ang tatangkaing maiposte ng bagitong John-O Juzz sa kanilang paghaharap ng Kutitap Toothpaste upang masolo ang liderato ng PBL Chairman’s Cup na ang kasiyon ay dadayo sa Pasig Sports Complex ngayon.

Nakatakda ang pagtitipan ng Juzzers at Teeth Sparklers sa unang laro, dakong alas-4 ng hapon.

Kung matatalo ang Juzzers, sila ay babagsak sa ikalawang puwesto, habang aangat naman ang Kutitap.

Gagawing pundasyon ng John-O ang kanilang impresibong 99-71 panalo kontra sa Montana upang ipagpatuloy ang kanilang winning streak sa limang sunod matapos ang anim na laro.

"We’re glad that we’re on top though the teams is just new. But staying on top is becoming harder and now we’re feeling the silent pressure on us," pahayag ni coach Manny Dandan na batid niya na naka-pokus ang atensiyon ng iba pang koponan sa kanila para sila pigilin.

Siguradong may nakahandang malalim na game plan ang Kutitap kung saan kamakailan ay nagdagdag sila ng ilang mahuhusay na manlalaro mula sa Blu upang palakasin ang kanilang kampanya upang tapatan ang lakas ng John-O Juzz.

Nakatakda namang maghiwalay ng landas ang Montana Pawnshop at Blu Sun Power sa huling laro, dakong alas-6 ng gabi kung saan ang dalawang koponan ay kapwa nagtataglay ng 1-3 win-loss slate.

vuukle comment

BLU SUN POWER

JOHN-O JUZZ

JUZZERS

KUTITAP

KUTITAP TOOTHPASTE

MANNY DANDAN

MONTANA PAWNSHOP

NAKATAKDA

PASIG SPORTS COMPLEX

TEETH SPARKLERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with