^

PSN Palaro

BUNN AT LANG

FREE THROWS - AC Zaldivar -
BIBIGYAN pa ng Batang Red Bull ng ikalawang pagkakataon si Joseph Bunn upang patunayang dapat siyag manatili sa kanilang line-up.

Si Bunn pa rin ang magsisilbing isa sa mga imports ng Thunder mamayang gabi sa pakikipagtunggali nito sa nangungunang Purefoods Tender Juicy Hotdogs. Wala naman kasing nakataya sa labanan ng Red Bull at Purefoods kundi placing. May twice-to-beat advantage na ang Hotdogs sa quarterfinals samantalang pasok na rin sa susunod na yugto ang Thunder subalit hindi na sila makakakuha pa ng magandang bentahe kahit na talunin pa nila ang kalaban.

Kumbaga, placing na lamang ang pinaglalabanan ng dalawang koponan at hindi naman puwedeng i-predict ng Red Bull kung sino ang makakalaban nito sa quarterfinals dahil sa may dalawang laro pang nalalabi bukas.

Ayon kasi sa reports ay mayroong injury si Bunn kung kaya’t hindi na siya kasing ‘prolific’ na tulad ng ginawa niya sa mga unang laro ng Thunder. Bumaba na ang kanyang scoring average.

Pero sa tutoo lang, medyo nagsasapawan sina Bunn at Antonio Lang na humalili kay Julius Nwosu na nagkaroon ng injury. Pareho lang kasi ang laro ng dalawang imports na ito at tila walang nagbibigay sa kanilang dalawa.

Ito’y taliwas sa tambalang Bunn at Nwosu kung saan si Bunn ang siyang kamador samantalang si Nwosu ay nakukuntento na lang sa pagkuha ng rebounds at pag-follow up sa mga iminintis na tira ng kanyang kakampi. Kumbaga’y okay lang kay Nwosu na nasa background siya at gumagawa ng maliliit na bagay na nakakatulong din naman sa kanyang koponan.

Iba si Lang. Gusto rin ni Lang na maging take-charge guy dahil ito naman ang dati niyang trabaho noong isang taon kung saan tinulungan niya ang Red Bull na magkampeon sa Commissioners Cup at itinanghal pa nga siyang Best Import. Hindi naman puwedeng nasa background lamang ang isang dating Best Import awardee, no?

Gusto sana ng Batang Red Bull na kunin ang dating Talk ‘N Text import na si Silas Mills. Kaya lang ay may commitment pa ito sa Italian League at hindi kaagad makapunta sa Pilipinas. Baka sakaling sa isang linggo pa siya maging available.

Pero kung magpapalit pa ng import ang Batang Red Bull para sa quarterfinals kung saan ang kanilang makakalaban ay mayroong twice-to-beat advantage, baka makasama pa ito kaysa sa makabuti. Kasi nga’y kakailanganin pa ng kanilang bagong import na mag-adjust sa kanilang laro. Baka hindi kaagad nila mapakinabangan ang hahalili kay Bunn. Sayang lang ang pera nila. Sayang lang ang effort.

Sa ngayon siguro’y kailangang kausapin ni coach Joseller ‘Yeng’ Guiao ang kanyang mga imports at ipaintindi sa kanila na kailangang magsakripisyo ang isa para sa kapakanan ng kanilang koponan.

Pareho namang mahusay sina Bunn at Lang. Kung magkakasundo sila sa loob ng hardcourt at magkakaroon ng division of labor, baka sakaling magwagi sila nang dalawang beses sa quarterfinals at makaabot pa sa semis.

Pag nasa semis na sila, aba’y yun ang tinatawag na "brand new ballgame’

ANTONIO LANG

BATANG RED BULL

BEST IMPORT

BUNN

COMMISSIONERS CUP

ITALIAN LEAGUE

JOSEPH BUNN

LANG

NWOSU

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with