"Lahat ng mga depensa ko ay laban sa dayuhan. Sa pagkakataon lamang ito ay mapapasabak ako sa kapwa Pilipino, at hindi basta-bastang boksingero. Si Joma ay dating WBA minimumweight champion, kayat kung magpapabaya ako ay maaari niyang maagaw ang korona ko. Pero hindi ko papayagang mangyari yon. Pinaghahandaan ko siyang mabuti at alam kong ganun din siya sa akin," pahayag ni Rubillar makaraan ang dalawang oras na intense work-out sa Elorde Boxing Gym sa St. Rita Village, Parañaque.
"Maalaga si Juanito sa katawan at may disiplina siya, kayat alam kong malayo ang mararating niya," wika naman ni Rene Busayong ang trainer ni Rubillar na isa ring Philippine flyweight champion noong kanyang kapanahunan.
Ang nakatakdang depensa ni Rubillar ay ikatlo, matapos niyang makamit ang bakanteng titulo laban sa Koreanong si Jin Ho Kim noong Mayo 27, 2000.
Taglay ni Rubillar ang 26 panalo na walo rito ay sa pamamagitan ng knock-out, 8-talo at 5-tabla, habang nag-iingat naman si Gamboa ng 31-win, 21 dito ay pawang KOs, 7-loss at isang draw.