Cordero may puwesto na sa RP Team sa Asiad
April 18, 2002 | 12:00am
Nagtala ang archer na si Marvin R. Cordero ng 1287 puntos sa single FITA round na nagkaloob sa kanya ng isang slot para sa Philippine team na ipadadala sa Busan Asian Games sa katatapos pa lamang na first NAAP (National Archery Association of the Philippines) qualifying tournament sa UP-PSC range sa Diliman, Quezon City.
Sumablay ang 19-anyos na si Cordero para maitabla niya ang national record ng isang puntos, pero magaang niyang nahigitan ang 1260 criteria na itinakda ng NAAP at ng POC-PSC Task Force kung saan siya ay nag-uwi ng bronze medal sa nakaraang Bangkok Asiad sa iskor na 1228.
Nagpamalas rin ng impresibong performance si Rachelle Anne Cabral, isang 16-gulang na junior mula sa Lagro High School (QC) nang umiskor ng 1240 puntos sa kanyang official FITA tournament upang talunin ang mga beteranang sina Joanne Tabañag (1233), Jennifer Chan (1224) at Adelinda Figueroa (1201).
Napasakamay rin ni Cabral ang FITA star para sa 1000, 1100 at 1200.
Naging maganda rin ang pagpana ni Tabañag sa Olympic round upang manguna sa womens event na sinundan nina Busan-bound Purita Joy Marino, Cabral, Figueroa at Chan.
Dinomina naman ni Bryan Carlo Figueroa ang mens competition na sinundan nina Florante Matan, Cordero, Christian Cubilla at Arnold Rojas.
Nanguna si Raul Arambulo sa compound division sa pagposte ng 1326 sa single FITA round at 111 sa Olympic round.
Tumapos si Earl Benjamin Yap ng ikalawang puwesto na sinundan ni Manuel Martinez, Jose Marlowe Pedregoza, Adam Jimenez, Jed Roa, Artemio Barriga, Carlos Carag at Nestor de Castro.
Ilan ring mga records ang naitala sa compound bow division nang kumana si Yap ng 1331 (single FITA round), at 323, 111 at 332 sa 80 meters, 12-arrow final match at 36-arrow total, ayon sa pagkaka-sunod.
Hindi rin nagpahuli si Martinez na umiskor ng 351 sa 30 meters.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended