Hindi na raw tulad ng dati na maraming writers na bumibisita sa PBL.
Ano kaya ang problema?
May iniiwasan ba sila?
Iba na ba ang treatment sa kanila kapag nandoon sila?
Sino ang may problema at kanino?
Mabutit nariyan pa si Bong Castro na masasabi naming very efficient magtrabaho at kahit paano eh may nababasa pa tayo tungkol sa PBL.
May problema ba ang mga sportswriters sa PBL?
Tatanungin natin ang mga sportswriter at hayaan nyot sasa-bihin namin dito next time.
Palaban na palaban kahit bago pa lang.
Nami-miss ba ng PBL ang Welcoat?
Sa dami ng mga magagandang laro, mukhang hindi.
Babalik na kaya ang Welcoat sa PBL next conference?
Pointguard ang laro nitong si Espera at dati siyang naglalaro sa PCU sa NCAA.
Hindi namin alam kung bakit siya nalipat sa Las Piñas.
21 years old na si Chris at sabi niya, naghahanda na ang eskuwela nila dahil mukhang ito ang representative sa inter-city basketball tournament.
Kahit anong pilit ng kanilang sikat kunong player, wala itong nagawa.
Pinagtatawanan pala siya ng mga teammates niya.
"Akala ba namin magaling siya, pero bakit wala siyang ma-gawa?" ang sabi ng isa niyang ka-teammates na ayaw magpa-banggit ng pangalan.
Nagkasama sila sa isang party at pagkagaling sa party na yon, tuloy na sila sa kanilang date.
Pero ang date na yon ay hindi nasundan.
Kung bakit, hindi pa namin batid kung sino ang na-turn-off kanino.
Nagkita rin sila sa isang party sa isang four-star hotel sa may Roxas Boulevard.
Nagkalasingan at maya-maya, umakyat na sila sa kuwarto ng beauty queen.
At siyempre pa, nangyari ang dapat mangyari.
Pero ang date na yon ay hindi na nasundan pa.
Umayaw agad si beauty queen.
Bakit?
Ipinagkakalat ni beauty queen na hindi raw siya nasiyahan kay popular player.
Saan kaya siya hindi nasiyahan?