^

PSN Palaro

Olongapo, Pangasinan maghihiwalay ng landas

-
Nakatakdang maghiwalay ng landas ang Northern Conference

co-leaders Olongapo Volunteers at Osaka Pangasinan Waves ngayon sa kanilang nakatakdang laban sa homecourt ng Waves sa Crusaders of the Divine Church of Christ (CDCC) Sports Complex sa San Fabian, Pangasinan.

Kapwa nag-iingat ng 2-1 win-loss slates, umaasa ang dalawang kopo-nan na mapaganda ang kani-kanilang kartada.

Galing ang Volunteers mula sa nakakadismayang kabiguan sa overtime kontra sa Professional Davao Eagles noong nakaraang Abril 13 sa University of Saint La Salle Gym sa Bacolod, 91-97, habang nakaligtas naman ang Waves sa tikas ng bisitang Pampanga Stars noong nakaraang Abril 14 sa CDCC Sports Complex, 92-90.

Isinalba ni Gilbert Castillo ang Waves sa pagpasok nito ng side jumper may limang segundo na lamang ang nalalabi sa final canto.

Inaasahang muling sasandig si Waves coach Lawrence Chongson mula sa 1-2 punch na sina Chris Clay at bagong Hirang na Hardcourt Hero (Player of the Week) Romel Adducul.

Ang dalawa ay nagsama ng lakas para magpatumba ng 52 puntos kontra sa Stars. Magbibigay naman ng suporta sina Bernard de Guia, Paul Du at Kalani Ferreria upang iangat ang Waves.

Ito ay tatapatan nina Jeffrey Flowers, Johndell Cardel, Brixter Encarnacion at Henry Fernandez katulong sina Michael Robinson at Eugene Tan para supilin ang tangka ng Waves.

vuukle comment

ABRIL

BRIXTER ENCARNACION

CHRIS CLAY

CRUSADERS OF THE DIVINE CHURCH OF CHRIST

EUGENE TAN

GILBERT CASTILLO

HARDCOURT HERO

HENRY FERNANDEZ

JEFFREY FLOWERS

SPORTS COMPLEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with