Sa likod ng ikalimang panalo ng Beermen sa 10-pakikipaglaban na humatak sa Alaska Aces, defending champion Sta. Lucia Realty at Batang Red Bull sa eight-team quarterfinal phase at nagbigay ng tsansa sa San Miguel na makakuha ng twice-to-beat advantage na ipinagkakaloob sa top four teams ay hindi nasiyahan si coach Siot Tanquincen sa kanilang tagumpay.
"Pangit ang pagkapanalo namin, not that Im understanding the Hapee pero undermanned kasi sila," ani Tanquincen na tinukoy ang pagkawala ng anim na players ng RP-Hape na kinabibilangan nina Marlou Aquino, Danny Ildefonso, Danny Seigle, EJ Feihl, Andy Seigle, Noy Castillo dagdag pa ang di na nakabalik pa sa larong si Johnny Abarrientos na nagka-injury sa first half.
Dahil dito, hindi napakinabangan ng RP-Hapee ang pagkawala ni Lamont Strothers na nasuspindi ng isang laro sanhi ng kanilang ikali-mang sunod na kabiguan at ikapito sa kabuuang 11 laro bilang pag-sasara ng kanilang kampanya sa kumperensiyang ito.
Pumukaw ng pansin si Joey Mente na umiskor ng siyam na puntos sa kanyang tinapos na 11 sa ikaapat na quarter kabilang ang anim na sunod na puntos sa unang bahagi ng labanan bago ito lumabas nang tirahin sa lalamunan ni Jeffrey Cariaso ngunit muling nagbalik sa court upang tulungan ang San Miguel sa 15-2 run na pinangunahan nina import Mario Bennett at Dorian Peña upang iselyo ang tagum-pay.
Sumingasing si Nick Belasco sa ikalawang quarter upang bande-rahan ang San Miguel sa kanyang hinakot na 14-puntos kabilang ang 10-sunod na puntos sa bungad ng naturang yugto na nagtabla sa 23-all matapos kontrolin ng RP-Hapee ang unang canto na nagsara sa 17-13 pabor sa RP squad.
Muling umabante ang Hapee sa 65-61 matapos pangunahan ni Rudy Hatfield ang 6-0 produksiyon ngunit ito na lamang ang nagawang oposisyon ng RP Squad at di na muling nakaporma.
Nalimitahan lamang sa anim na puntos si Bennett sa first half ngunit ang pag-angat ni Belasco ay naging malaking bagay lalo pat wala si Lamont Strothers na nasuspindi ng isang laro, para kunin ng Beermen ang 36-33 bentahe pagsapit ng halftime.