Evangelista dinaig ang 2 imports sa Samsung-PBA Governors Cup
April 16, 2002 | 12:00am
Sa kasalukuyang labanan ngayon sa Samsung-PBA Governors Cup, nakasalalay sa dalawang imports ang tagumpay ng isang koponan. Ngunit paano kung di maaasahan ang dalawang reinforcements?
Dito pumapasok ngayon ang mga beterano at isa na rito si Rey Evangelista na naging mabisang sandata ng Purefoods TJ Hotdogs sa kanilang 87-76 panalo kontra sa defending champion Sta. Lucia Realty.
Nagsimula ang TJ Hotdogs na wala si import Leon White dahil sa kanyang iniindang injury sa likod at sa second half, na-foul trouble naman si Derrick Brown.
"I told my players that we had won in the past because of our imports. Leon White helped us win seven previous games. It was time for the locals to win one for them and make them proud of us," wika ni Ryan Gregorio na tumatayong coach ng Purefoods kahalili ni Eric Altamirano na ipinahiram sa National team.
Pagkatapos ng halftime kung saan di pa rin makalaro ng husto si White at kailangang mag-ingat ni Brown, nagtrabaho ang mga locals sa pangunguna ni Evangelista upang makabangon ang TJ Hotdogs.
Humakot si Evangelista ng 14-puntos sa second half sa kanyang 3-of-5 three-point shooting na naging tuntungan ng Purefoods para makakuha ng twice-to-beat advantage patungo sa quarterfinal phase.
Dahil dito, si Evangelista ang napili ng PBA Press Corps na maging Player of the Week para sa linggo ng Abril 8-15. Tinalo nito para sa naturang karangalan ang kanyang kasamahang si Alvin Patrimonio, Bryan Gahol ng Alaska, at sina Mark Caguioa at Bal David ng Barangay Ginebra.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am