^

PSN Palaro

Dayrit inimbitahan ni GTK

-
Inimbitahan ni athletics chief Go Teng Kok si Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit para pangunahan ang mga bisita sa Milo National Open na gaganapin bilang pagkilala sa yumaong si Gov. Sering, ang dating pangulo ng PATAFA sa Mayo 1 sa Rizal Memorial Track Oval.

"Gov. Sering would want to see this, all sports leaders gather together for the good of sports," ani Go. "I admit having some differences with Mr. Dayrit but for the sake of our beloved teacher (Sering), I would join hands with him in paying tribute to the man."

Matatandaang sina Go at Dayrit ay nagkaroon ng alitan sa malaking kontrobersiya sa Basketball Association of the Philippines noong nakaraang taon.

Bukod kay Dayrit, inimbitahan din sina Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain.

Si Sering ay naging pangulo din ng POC matapos itong maglingkod sa PATAFA at bago ito pumanaw noong Pebrero 14, sinikap niyang pagbatiin sina Go at Dayrit na kinokonsiderang protégées nito.

"I am setting aside my differences with Mr. Dayrit when we honor Gov. Sering. The event, I believe, is too big and important for my self to stage and should be a common effort by both the POC, PSC and all the national sports association," ani Go na nakakuha ng P3 milyon para sa pagdaraos ng 1st Sering Cup.

Samantala, sinabi ni Dayrit na posibleng isama na ng Vietnam ang boxing at tatlo pang sport na malakas ang Philippines kabilang ang golf at ten pin bowling sa kanilang calendar of sports para sa 2003 Southeast Asian Games.

"The Vietnamese have said they are willing to accommodate boxing and other sports they initially wanted after most if not all of the SEA Games countried lobbied for their inclusion," ani Dayrit.

May 21 sports na inilista ang Vietnam para sa pagtatanghal ng biennial meet ngunit di kasama rito ang archery, billiards and snookers, fencing, rowing, petan-que at weightlifting na hindi sikat sa kanilang bansa. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

vuukle comment

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CARMELA V

CELSO DAYRIT

DAYRIT

GO TENG KOK

MILO NATIONAL OPEN

MR. DAYRIT

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION CHAIRMAN ERIC BUHAIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with